
(Source: unrequitednerdlove, via infpconnection)
Probably the most common question I receive is some variation of “what is attachment and how do I get rid of it”? It is a vexing problem for a teacher, especially one who teaches people brought up in a Western tradition. You see, we Westerners are materialistic in a way many other cultures are not. Now, I do not mean this as a criticism of Western culture.
By materialistic I do not mean greedy, selfish or shallow. It is just that our society places a great deal of importance on “things” on “ownership” and “possessing”. One might argue that this is one of the things that has made Western culture so successful in this realm. However, it does often cloud the thinking when it comes to the Buddhist concept of attachment
Many Westerners brought up in a Christian tradition believe that by avoiding attachment we mean retreating from the world, giving away our possessions and living in poverty. This is ironic because that is precisely what Jesus taught. However, in Buddhism this is not the case.
(via samsaranmusing-deactivated20140)

(via samsaranmusing-deactivated20140)
(Source: heartcontainers, via nil180-blog)

»all it is, and ever was, and ever will be« by cody trepte
(via visual-poetry)

(Source: fariedesign, via ellobofilipino)

Maramot ang langit, mailap. Kanina pa ito galit na nagdarabog, paulit-ulit na dagliang sisiklaban ang madilim kalangitan, ngunit gaya ng isang taong itinatanggi ang kanyang damdamin, pilit nitong pinipigilang dumaloy kanyang mga luha.
Gusto kong sabihing naghihintay ako. Ng ano? Para saan?
Ng ulan? Habang nakaupo sa mainit na semento at mataimtim na pinagmamasdan ang puting usok mula sa sigarilyong hawak ko. Nakakabighani ang galaw ng usok; dahan-dahan itong umaakyat paitaas patungo sa direksyon ng mga ulap, kasabay ang malamyos na pag-indayog sa himig ng hangin.
Kung maaari lang na kasing-ganda ng usok ang lasa ng sinunog na lumipas na nikotina. Pagkasindi ko rito, at sa unang beses na paghithit ay gusto ko na itong itapon. Muntikan na akong masuka. Gaya ng isang piraso ng papel na sinilaban, ito ay matabang at walang lasa. Gaano katagal na ba? Isang buwan? Dalawa? Tatlo? Ayaw kong magbilang, lalo akong nahihilo, katulad sa isang paikot-ikot na argumento, o sa usok na hipnotiko.
Aligaga kong iniangat ang sigarilyo at inilapat sa aking mga labi. Isa, dalawa, dalawa’t kalahating hithit hanggang sa bahagyang kumalma. Nang maramdaman ko ang pagsayad ng usok sa aking baga, marahan ko itong ibinuga palabas, at kasabay nito ay ang buntong hiningang malalim na hinugot mula sa kaloob-looban ng aking dibdib.
Gusto kong sabihing naghihintay ako. Para saan. Ng ano? Kanino?
Sa iyo?
Hindi. Ayaw kong maghintay. Hindi ako naghihintay. Hindi ako naghihintay na dumating ka. Hindi rin ako naghihintay na tingnan mo ako at tanungin na, “Bakit iyan?“
Kung saan sasagutin kita ng, “Anong pakialam mo? Bibilhan mo ba ako ng bago?”
Sa pagkakataong ito, gusto kong sabihin mong, “Oo, kung gusto mo.“
Ngunit kilala kita at alam ko, matigas ang ulo mo, hindi ka marunong sumunod sa mga linyang isinusulat ko.
Makapal na ang upos sa dulo ng sigarilyo, at unti-unti nang nagiging abo ang pulang baga nito.
Ang tunay na hinihiling ko ay iabot mo sa akin ang iyong mga kamay at sabihing, “Malapit nang umulan.”
Pero hindi ako naghihintay at hindi ka darating. Kaya habang hindi pa bumubuhos ang ulan, ay uubusin ko ang dalawa pang natitirang sigarilyo sa kahang sa akin ay iniwan mo.
(Source: her0inchic, via voluntary-deactivated20180324)